Ang bata, nanay at aso
isang normal na araw

Nilalakad ko ang aking asong si Bantay sa umaga bago pumasok sa eskwela, Pag-uwi ng eskwela ay nilalakad kong muli si Bantay. Bago pumasok, paguwi, bago pumasok at paguwi. Sa gabi, kinakamusta ko si nanay tapos, nilalakad ni nanay si bantay habang ako ay patulog. Paggising at bago pumasok ay ilalakad kong muli si Bantay.

Pumapasok ako sa trabaho sa umaga, sabi ng nanay. Paguwi ko galing opisina,ay kinakamusta ko ang aking anak pagtapos ay nilalakad ko si Bantay bago matulog Sa umaga ay pumapasok akong muli sa opisina.

Sa umaga ay sumasama ako sa bata tapos matutulog ako Mya mya ay matutulog ako at paggising ay sasama ako muli sa bata Sa gabi ay sumasama ako sa nanay tapos matutulog akong muli. Haay, kelan kaya ako makakalakad mag-isa?